@rachelr15 Aba! di mawawala yan. Actually, kung consistent ka, and striving hard to be consistent, mapipilitan kang hindi maglabas ng pera. Kasi kung bigla kang naglabas ng pera, magmumukha kang SINUNGALING - kahit sa sarili mo. Kapag hinayaan mong maniwala ka na SINUNGALING ka mas masasaktan ka at mahihirapang ilabas ang sarili mo sa sitwasyon na yan.
Always remember na kapag naging inconsistent ka sa pagiging walang pera mo, they will always have a reason to doubt you. They will also suffer - kasi once desperation hits, magteateam-up yan. Mas mahirap i-handle yun. Wag kang sasagot kapag naiipit ka. You can always walk away. "Ano bang magagawa ko, e wala akong pera e."
Wag kang pipitik. Always be in control sa emotions mo. Kapag nagalit ka, tapos may nasabing kang masama, maaring gamitin yan against you. Wag kang magsasalita kung makakasakit ka. Keep calm and cool.
Tandaan mo na lang. Kahit na umiiwas ka sa pagbibigay ng pera wag mo kakalimutan maging MAKATAO. Kapag sinabi na
"Ikaw na lang talaga malalapitan ko, kapag hindi ko ito nabayaran, tiyak na mawawalang ako ng trabaho, papaano na mga anak ko?"
Ganito sasabihin mo, "Nakakalungkot man sabihin pero walang wala na din ako. Tignan ko kung meron ako maitutulong pero sa ngayon, wala talaga ako. Pasensya talaga."
Wag kang magbibigay ng pera. Magbigay ka ng job listing, job offering, option para pagkakitaan, pero wag na wag kang magbibigay ng pera. "Walang easy money". ika nga nila.
PS: Ang taong walang pera, NANININGIL. Wag mong kakalimutan yan.
Mga oras para MANINGIL:
- kapag gusto mo silang umalis
- kapag naiipit ka sa usapang pera
- kapag nagvevent out ka kuno
- kapag feeling mo na uutangan ka, unahan mo