UPDATE: We're about to get scammed on Real Estate Deal

artoniquenelson

New member
From my post here on:
Since nakauwi nako and nakausap ko na yung lola ko about sa deal, it seems na nag backout na yung mga scammer.

Here's what I've found out:
  • Akala ko I was just having a misunderstanding on the situation, turns out they really are trying to scam us. Na-confirm ko sa lola ko and don din sa nag refer sa ahente na 'ABSOLUTE DEED OF SALE' nga yung hinihingi nila and they're really trying to manipulate their way para makapag pagawa kami ng absolute deed of sale. Going to such extent as much as having a lawyer pa daw para mas maasikaso daw yung deal.
  • Pag nag pupunta daw sila sa bahay para pilitin yung lola ko for the deal, marami sila palagi (3-6 persons) and they create confusion sa pakikipag-usap ng sabay-sabay. Palagi din nilang tinatanong kung nasaan yung titulo ng bahay, thank fully wala sa mismong bahay yung mga important documents para iwas budol.
  • They said na may taga forge sila sa loob ng bank para asikasuhin yung documents the moment na magpagawa kami ng absolute deed of sale. Willing din sila mag dala ng abogado daw to process that shit in which kinagalit ng lola ko ng sobra dahil in the first place siya dapat ang nag po-provide ng lawyer hindi sila.
  • Isa pa palang red flag na recent lang nabanggit sakin is hindi nag provide ng ID yung mga taong involved.
  • I visited the profile of so-called 'buyer' and saw na most of the property na hawak nya ay nakapangalan niya sa kanya (naka state na siya owner based on her post). Although I'm not sure if nakulimbat niya yon sa scam.
Bakit sila nag backout?

1.) I think they've lose their motivation nung nalaman nilang nag punta yung lola ko sa bank para mag tanong talaga sa process. There's this one time na kinulit nila for the last time and my lola told them na galing siya ng bangko. After non, wala na masyado naging initiation from their side.

2.) There's this strategy na ginagawa nila para pahabulin nila yung tao in which hindi ang react yung lola ko:

- They will offer big sum of good faith money (e.g 500k on our case), then the next week bababaan nila to certain hundred thousand, then hanggang maging 50k nalang yung good faith money.

- Sabi ng lola ko, gusto nila na mag react siya sa price (in which hindi naman siya nag sasabi ng kung magkano dapat nilang i-offer na earnest money) para pag nag mukha na siyang desperate sa offer e mag give in siya sa gusto ng mga scammer.

We're supposed to meet them yesterday pero dahil namention na ng lola ko na nag punta siya sa bangko para mag tanong, it seems that wala na kami sa list ng mga possible nilang ma scam.

Well ayon lang for now, sa mga tumulong sumagot from previous post maraming salamat sa inyo. Malaking tulong yung comments nyo para sa mga future na mag tatanong regarding sa sale ng property at ganitong case, lalo na sa katulad kong wala masyadong background pag dating sa real estate dito sa ph.
 
@artoniquenelson If ayaw mo ma harm kayo. Just report them to PRC and sa BSP so they can investigate na lang. isipin mo na lang na buti May consciousness pa lola mo to do her own due diligence.

Paano ung mga matatanda na wala? Di lang naman kayo niloloko nila.
 
@kekeli It seems that that is their MO. Ang target nila mga matatanda na hirap at mabagal narin mag isip at wala masyadong alam sa proseso.

Good thing talaga na lola ni OP did her own diligence and asked the bank. Yun siguro yung nakapatabang sa mga scammers to pursue kasi matanong pala si lola.
 
@kekeli Sana yung “supposed to meet” nyo nag-push through and pumunta kayo sa police para magkaroon ng entrapment operation at makulong ang mga bwiset na yan. Ika nga nung isang nagsabi dito na baka syndikato talaga sila. They should have been locked in jail. Yung tito ko rin malapit na ma-scam ng “black money” agad agad nyang ni-report to and aware sya kasi na-scam na sya noon ng 1M with the same words and tactics on how he was approached and nagkaroon ng entrapment ang police pinalabas na “buddy/kaibigan” tas kasama nya nung magmeet sila to close the deal. Little did they know na swat team ang sumugod sa bahay. Tas yung tito ko pa-yosi yosi lang na nakaupo habang nilalagyan ng posas ng swat team ang mga scammers.
 
@kbhurst For security purposes, I can't disclose it since naka interact namin sila face-to-face and yung case is masyadong specific. I think they might be a syndicate or something since medyo malawak sila and given din sa dami ng properties na tinitinda nung scammer.
 
@artoniquenelson If you can, mas maganda maireport ito sa authorities. Though wala namang nakuha sa inyo, muntik na. So mas maganda maipagbigay alam ito. Salamat at nilubayan na nila kayo.
 
@artoniquenelson Make sure na hindi na budol ang lola mo ng pirma. O baka may nakuha silang pwedeng maka pag forge sila ng pirma. Also make sure na walang transaction na mangyayari sa TCT nyo, no idea kung pano gawin to, siguro kailangan nyong makipagtulungan sa registry of deeds ng lugar nyo.
 
@artoniquenelson Thank you for the update and happy your Lola was able to outwit these people. These budol budol gangs are prevalent these days, and they prey on older people so please continue to watch over your Lola. Ingat po lagi.
 
@artoniquenelson Salamat sa pag share. I am glad na nawala na sila. Pls tell your lola na ingat and wag na makipag usap o papasukin sa bahay nyo. Baka makaisip pa ng paraan para makapang scam. Target nila talaga mga oldies e. Sana lahat padaanin sa iyo para ma review mo.
 
@artoniquenelson Curious lang ako. Kung halimbawa alam nyo na scam yung ginagawa nila, pwede na ba yan isumbong sa authority para makapag set AGAD AGAD ng entrapment operation?
 

Similar threads

Back
Top