@dove44 May grace period ang turn over ng condo. Up to six months yan. Basahin nyo yung contract nyo. Pag lumampas na saka kayo pwede magreklamo. EVEN AFTER LUMAMPAS NA walang sense na magkaso ka sa hlurb or kung ano man tawag na dyan ngayon. Gagapangin lang yan ng developer, meaning mabibinbin lang kaso nyo to the point na bago magka resolution ay ma turn over na din sayo yung unit mo. Magaaksaya ka lang ng pera sa lawyer.
Di talaga sila magbibigay ng financials nila sa inyo. Walang batas ang magri require sa kanila nyan. Financials of a company are secret, may excemptions pero ordinary citizens ay hindi kasama.
As for officers ng isang project, sila talaga ang magpapaupo dyan sa simula. Someone has to facilitate the day to day operations. Pag madami na ang turned over units at lampas na kayo sa 50% ang present saka lang kayo makakaapag vote to elect your own officers. Pag madami sa mga may ari nasa ibang bansa mahihirapan talaga kayo magkaroon ng 'quorum' to vote your own officers in. Ang work around sa ganyan magpa SPA yung unit owners na wala dyan. Kung mabagal ang turn over natural mabagal kayo magkakaroon ng enough people to get that 'quorum'.
Di lang filinvest ang ganito, pag nasa high rise ka di ka talaga mauuna lalo na kung bandang taas ka. Ang turn over ay floor by floor. Kahit umiyak ka ng dugo di yan magbabago. Sp kahit tapos na ang bldg ganyan nila gagawin. Top floor ang unit ko (30th floor). Inabot ng isang taon bago ko nakuha ung sakin sa megaworld. Kung di ko dinala ung lawyer ko at pinakita ko na taga ibang bansa ako di nila ako bibigyan ng consideration. The only reason na nakuha ko ung sakin bago sa iba ay dahil sa pinakita ko na nawawalan ako ng salary for every month na nakatunganga ako dyan. 8yrs halos bago namin napatalsik yung board ng megaworld sa condo namin saka lang kami nakapag elect ng officers namin.
As for your gripe sa parking, ganun talaga minsan. Basta ang bldg code ata dyan is minimum 10sqm per parking space. Kung napalaki nila yung mga linya nila at feeling nila mapapadami pa nila prerogative nila yun. Perfectly legal pa din. Ang condo has to provide atleast 30% slots sa dami ng units ng isang bdlg Pero i agree mahal ang dues nyo. Samin P90 per sqm ang bayad so P900 lang per month.
I hope naklaro ko ang ibang bagay at kung bakit ganun ang mga bagay bagay...