CEBUANA LHUILLIER FWD (MARKET MARKET)

micah915

New member
Sa mga pumupunta ng Market Market kapag may humarang o sumalubong sainyo sa may entrance sa babaan ng jeep, tabi ng BPI at Dunkin donuts, wag nyo na pansinin o decline nyo nalang agad

Tatanungin ka kung pwede mo bang sulatan ung maliit na papel para may chance ka manalo. Tapos habang nag susulat ka tatanung tanungin ka kung atm o cc ka. Meron jan halos idikit na yung muka sayo habang kinakausap ka.

Pag nalaman na may atm o cc ka kukumbinsihin ka na nyan kung gusto mo ba makuha yung freebie sa taas 3rd flr ata?. Wag kayo sasama. Walang freebies. 30mins lang daw ipapakilala nila ung bagong product ni Cebuana. Kesyo magiging bank na dw si Cebuana.

Ang totoo talaga nyan hindi 30mins yon. Aabutin talaga kayo ng higit pa dun, oras talaga. 1 to 2hrs or more. Aalukin ka ng VUL. Sasabihin IPON. Kung maalam ka sa VUL o may plan kana sa Sunlife, Prulife etc mapapansin mo di nila alam sinasabi nila.

Mag fofocus sila ng explanation sa Investment lang tapos ung Insurance isang beses lang ata binanggit. Basta ang sabi lang "May kasama na tong insurance". Hindi nga inexplain anong coverage lol. Kelangan mo magbayad ng initial payment good for 1yr na. Hanggng 10yrs ka lng magbbyad tpos stop na. Pero ung pera mo daw tuloy tuloy parin kumikita hanggng mashonda ka na.

Nakumbinsi na din kasi ako nung agent 'kunin ung freebies sa taas' noon lol. Idecline nyo lang ng idecline. Kaya kami tumagal kasi talagang di ka nila pakakawalan kapag ayaw mo. Lalo na pag nalaman nila my savings ka o cc. Umabot pa na tumabi na din ung supervisor (daw) tapos nakisali na din sya sa pangongonsensya. Hindi talaga, ayaw ko talaga at mssayang lang oras nila saken sbe ko.

Nagsulat ako dito kasi nalaman ko kahapon na yung friend ko e napapayag nila mag bayad ng initial payment na 18k! Nape pressure na daw sya at knowing her personality sobrang soft at naive. May video pa nga daw habang pumipirma sya tapos may binabasa yung branch manager na kesyo "You agreed na non refundable ang payment mo" AH BASTA!

Basta ngayon pina process na ng FWD yung refund ng friend ko. Kinagabihan din nung araw na yon nakapag send agad sya ng refund request DIRECTLY sa FWD. Mag didirekta kayo guys sa FWD, ieemail nyo sila o pwedeng mag live chat muna kayo pra sa instructions. Iaacknowledge nila yang email nyo. 10-12business days daw ang process.

Meron pa yang 15 days cooling period from the date na pumirma sya ng policy for cancellation/changes.

Per FWD live agent naman, no need naman na pumunta ng branch kung san sya pumirma. Nag chat pa sa friend ko yung FA (daw) na pumunta ng office for cancellation. Wag na kayo pumunta. Pipilitin at icicircus lang kayo non pra di mo icancel. Remember yung kinuha nilang video? For sure gagamitin nila sayo yon.

Pina process na ng FWD, na acknowledge na. Ok na yun. I fofollow up nalang.

Kayo? Naexperience nyo rin ba to? Nakakaurat diba. Hindi dapat ganun. Kaya nasisira tuloy tingin ng pinoy sa mga insurance e. Yung mga maayos tuloy na nagwowork from Insurances nadadamay.

**UPDATE.
FEB 7: Na refund na yung inital payment today. Hindi kasama yung 2500 separate daw iyon so another follow up yun kay Cebuana.

Pero FEB 6 kahapon nagsend daw sya ng cancellation about dun sa +2500 kay cebuana tapos pinagsend sya ng requirements then inacknowledge na. Wala pang reply ulit kung ilang days ang process. Sana mabalik din ung 2500! Sayang din yun.
 
@micah915 Ganyan na ganyan nangyari sakin last January 14. Grabe yung misleading ng mga ahente ng Cebuana Lhuillier finance, sinabi na raffle jewelries worth 100k. Tapos isasama ka sa office sa 3rd floor then un pala Insurance ang ipipilit nila , unfortunately napa pirma at nagbayad ako ng 18,148 ( 15,648 + 2,500 ) pero kinabukasan nagpacancel ako . I did my research dami talaga negative at buti nalang may 15days free look period na pwede mo ipacancel at makukuha mo full refund. Kahapon lang na refund ung 15,468 after malalang follow up at CC ko sa email Ng Insurance Commision. Pero ung sa 2,500 sa Cebuana daw makukuha un kaya untill now nakikipagtigasan pa sakin ang Cebuana. Ang sabi irerefund din daw within this week. Kaya sabi ko pag di nabalik ang pera ko within this week , I submit ko na talaga ung Assistant Form na binigay ng Insurance Commision. Grabe sila magbudol daoat di pinapayagan ng Management ng Market Market yang mga strategy nila eh.
 
@micah915 Pumunta pa ako nun sa branch sa market tapos nakausap ung isang branch manager , sa tono ng boses mukhang ayaw ibigay pinapipilitan na non refundable pero nung sinabi ko na nag file na ako ng refund request kay cebuanacares@pjlhuillier.com ayun biglang sinabi na ung accountant nalang ng branch nila mag process.. then wala padin update kaya follow up ako ng follow up at CC kuna sa email ang insurance commision tapos tinawagan ako nung last saturday ng isa na namamg branch manager ng cebuana sabi na antay antay nalang daw irefund this week .. narefund na lahat lahat ung Policy ko pero ung sa cebuana pinatatagal pa nila.. kaya hanggang friday pag wala padin ung refund ng 2,500 magsubmit na ako ng complain form sa INSURANCE COMMISION.
 

Similar threads

Back
Top