Theoretical lang, ano po opinion nyo?

tabi777

New member
Situation: Newly weds sila (edit: 10 months na din pala), with 2 dependents na pusa. May car, wala nang binabayaran dito. So far, ubos halos ang savings dahil sa business na mga naput-up na hanggang ngayon ay wala pang ROI. Pero enough para sa following options sa baba. To be fair, bago pa naman sa business, 4 months pa lang. Based sa numbers, mukhang di sustainable ang income ng business unless maghanap ng ibang place. Both the H and W can earn thru WFH jobs.

Anong pinaka-optimal sa mga choices sa baba?

Objective nila: Medyo mag-fofocus na sa physical health at wellness, then financial health

Option 1: Batangas (paternal side ni W)
1. Sariling bahay with garage. Ownership is not guaranteed, tho W's parents expressly said na sa kanila na yun. Medyo liblib vibe pero mga 10 mins drive lang sa bayan.
2. May sobrang bait na kapitbahay tita na willing paglutuan sila basta mag-abot abot ka lang siguro everyday.
3. Business opportunities sa bayan 7/10
4. Ok ang internet connection
5. The space is so huge na pwedeng gumawa pa ng cat house para sa cats

Option 2: Pangasinan (maternal side ni H)
1. May lupa na. Guaranteed ownership na ng mag-asawa once pagtayuan nila ito (side ni H) Pero need pa gumastos sa pag-build.
2. Sobrang bait ng mga kamag-anak at mas farm ang vibe. May tita si H na willing mag-serve sa mag-asawa kasi sya ay isa nang matandang dalaga. Okay din relationship ni W sa side ni H.
3. Business opportunities - 9/10. Madami pang kulang na business doon pero halos pausbong na ang lugar. Kung mauuna ka, mukhang okay sya. For further investigation.
4. Language barrier sa side ni W
5. Ok internet connection
6. May enough na space para sa cats

Option 3: Bicol (childhood town ni W)
1. Wala pang lupa for residence pero if dito tutuloy ang mag-asawa, willing ipamanage ng parents ni W ang business nila. Isla vibe kaya sobrang okay ng business kasi konting competition lang. Ibibigay na din ng parents ni W yung isa pang pwesto if doon sila magpasyang manirahan. Walang issue sa inheritance or something sa kapatid si W.
2. Okay ang relationship ni H at parents ni W pero ayaw masyado ng mag-asawa na parang nabi-baby sila. Pero kasundo ni H ang parents ni W kasi si H ang business minded sa kanila.
3. Business opportunities- 10/10. Sure na, okay na ops, brand, long-term relationship sa suppliers at mga tauhan, may na-build na ding relationship sa big customers like ahensya ng gobyerno, etc. 27 yrs ng business at libreng mentorship pa sa parents ni W.
4. Super language barrier sa side ni H at medyo di din marunong sa pakikipagusap si W.
5. Medyo 6/10 sa internet connection
6. Need ilayo ang pusa sa parents ni W kasi ayaw nila ng pusa
 
@tabi777 Parang quiz.

By elimination na lang:

Option 3 is out because of internet and pusa issue

Option 2 is out kasi no savings and need money to build a house

So Option 1 for now
 
@tabi777 I’d go with option 3. I think eto pinaka safe na option, established na ang business kailangan lang effort to learn the business but other than that they wont go thru the growing pains of building a business from the ground up. Yes marami opportunities sa option 2 but that wont guarantee a success. So sa akin lang naman to, either way i think this is a good type of problem at least kahit saan sila mapunta for sure may support sila na makukuha from their relatives.
 

Similar threads

Back
Top