Pre Selling H&L or Pasalo H&L

stephanieks

New member
Mayroon po akong kinuhang Pre Selling house and lot way back 6 months ago. ₱28k per month ang binabayaran ko na equity in 36 months. Once mafully paid ang equity nasa ₱15-₱16k estimated ang magiging monthly amortization sa Pagibig in 30yrs.

This week may nag alok po sakin ng pasalong bahay at ang price is ₱550k then ako na magcocontinue ng monthly amortization na ₱4.1k in 12yrs remaining na lang sa pagibig. Yung location ng pasalong bahay is katapat lang ng bahay na tinitirhan namin ngayon.

Balak ko po sana igrab yung pasalong bahay since katapat lang din ng bahay namin ngayon kaso tight na yung budget ko. Para sa inyo, okay lang po ba na i-let go ko na yung pre selling house tapos kunin yung pasalong bahay?

Nakaka ₱188k na hulog na ako sa preselling house na kinuha ko.

For comparison, ito po details ng dalawang bahay.

PreSelling h&l
-2Storey 50sqm lot area, 81sqm floor area, Inner Unit
-Loc: San Jose Del Monte, Bulacan

Pasalo h&l
-1storey 36sqm lot area, Inner Unit
-Loc: North Caloocan (Tapat ng bahay namin)

Help me to decide po. Thank you!
 

Similar threads

Back
Top