Worldwide Entrepreneurs (W.E) by MJ Lopez "Fishy business credentials"

janah

New member
Edit: will now post the link to the video, use it all you want xD to debunk this mfs. Also, I think ako lang may copy ng video na to kasi deleted kahit kaka-post lang nung nag-comment ako.

https://drive.google.com/file/d/1J3sNCUA390ckiGLy-8N3QeznLJ7zB9Jq/view?usp=drivesdk

Refrain yourself from investing any amount of money to them! You'll just waste your time hearing them say "motivation" and "mindset" for millions of time a day!

I was scrolling on TikTok when I came across a video of one of the so called "leaders" ng Worldwide Entrepreneurs (W.E) a group/organization of MJ Lopez and his name is Wendil Decina. Matagal na akong observant sa mga videos niya on Tiktok and lagi akong nakikinig to know more if legit ba talaga sila since boastful si MJ Lopez about being "Mentor of Mentors" something like that. Kahit di ako interested since networking nga sila.

Now, there's this guy that commented on his past video and ang sabi "Wala nga kayong business permit pero meron kayong 13k?" and nag-reply siya doon through a video. Ipinakita niya yung mga receipts daw and certificates etc.

Dito ngayon ako nakapansin ng mali. Yung mga pinakita niyang certificates sa video is hindi for Worldwide Entrepreneurs, hindi rin pag-aari ni MJ Lopez. The certificates that Wendil showed are for a different business and owner. Ang ipinakita niya is for "JVH Arcade" owned by "Jocelyn Villegaz Hernandez".

Isang commercial building/ establishment ang "JVH Arcade" kahit i-search up niyo sa Google. Hiwalay ito sa building ng Worldwide Entrepreneurs which is ayon sa Google ay nasa Manila while ang JVH Arcade naman ay nasa Cabuyao Laguna.

Napaka-fishy 'non since isa silang business organization yet wala pala silang legal documents and credentials na maipakita sa mga tao. Kapag naman hinanap mo sa website nila hindi mapindot yung "Legalities" pero napipindot yung ibang selections sa menu nila (i-check niyo din baka sakin lang).

And ang masaklap pa after ko i-point out yon sa video niya, Wendil Decina deleted that video and blocked me, fishy diba? He did not even say an explanation, blocked and delete lang? easy escape sa criticism.

May proof ako nung video may proof din ako na naka-block ako. Kung may mga engot na leader daw kuno at magco-comment dito na sinungaling ako. Pasalamat kayo walang video and image upload dito. Kung may interested naman sa proofs, DM niyo lang ako malugod kong ilalapag sa inyo.

This doesn't say na scammer sila, My problem is their way of handling criticism. Di na nga nag-show ng tamang credentials aba nag-delete pa ng video after ma-point out. Fishy yon lalo na't networking kayo at natanggap ng pera sa mga sumasali. Wala rin naman akong makitang DTI ninyo online.

Award Winning pero di mo mahagilap ang awards sa net. Nasa Google pero yung info galing lang din sa website nila, walang nagba-back up kundi galing
lang din sa kanila. Buhat ng sariling upuan ba?

Pakitaan niyo muna kami ng enough credentials W.E para mabawi niyo man lang reputation niyo. Fishy kayo masyado auto delete pag may criticism na natatamo. Mas mukha kayong Ponzi Scheme at Pyramiding sa ipinapakita niyo. Madami pa kayong issues sa totoo lang pero out of topic na kung isasama pa dito.

Baka gawan ko nalang another discussion at pag may enough research na ako about sa mga products nila.
 
@janah What do they sell/offer?

When it sounds like a pyramid , with "leaders"/"mentors" functioning as downlines, go pack your stuff, block their numbers on your phone, and leave the place under threat of "harassment" and "unjust vexation" .

Pyramids are always and will be the same. Just recognise the keywords and you'd smell them from a distance.
 
@janah Saw some of his facebook vids. Cringe. People actually buy this bullshit. Parang ang sarap pumunta sa event nya, tapos pagawain natin ng financial model from scratch. Hahaha. Masyadong pa expert eh.
 
@janah Napakayabang pa niyang MJ lopez. Pero wala naman substance ang sinasabi. Walang technical. Puro motivational shit lang na kaya naman sabihin ng kahit sino. Pero walang specifics pano makakarating dun. Parang i momotivate ka lang tas sabihin na oy bili ka or sali ka sa amin kung talagang motivated ka. ANG LABO. Ima mock yung mga nagwowork ng 9-5 tas biglang bebentahan ka. Pag di ka bumili or sumali, sabihin ayaw mo umasenso. GAGO eh.

Sinubukan ko din i search pangalan niyan sa google. Puro sa website nila, o kaya naman fb or youtube lang niya ang makikita mo. Wala kang makikitang achievements niyan na hindi siya yung nagsabi.
 
@janah Alam ko binasag na sila nung si daniel the mentor na comedy content creator and si zack briones na finance creator.

Pano puro kagaguhan lang naman sinasabi.
 

Similar threads

Back
Top